Dominique Reighard and Allison Harvard from America’s Next Top Model
Modeled for Michael Cinco x Bench’s Impalpable Fragrance
Philippine Fashion Week Holiday 2012
Dominique Reighard and Allison Harvard from America’s Next Top Model
Modeled for Michael Cinco x Bench’s Impalpable Fragrance
Philippine Fashion Week Holiday 2012
Sabi ko sa sarili ko na hindi muna ako mag-uunli sa cellphone. Paano ba naman, nasisira nito an g aking schedule and less productive ang buhay ko? At tsaka nakakasawa rin magtext. I mean same textmates tapos para lang din iyan kwentuhan, di ka na nagsawa, di ka rin nauubusan ng kwento. And me, nauubusan na ng kwento, same topic palagi.
And these days, natutuwa ako kasi puro masasaya ang nangyayari sa akin. Minsan iniisip ko na sana unli ako para ma-GM ko ang kasiyahang nararamdaman ko. Pero ok na rin kahit hindi ako unli. Nagiging distorted buhay ko kapag ganun.
via sodamnrelatable
via sodamnrelatable
Kanina lang, pumunta ako sa bahay ni Geozel para isauli ang mga hiniram ko na CD at makuha ko ang payong na naiwan ko noon sa bahay nila. Nagulat ako kay Ate Istelle. Pinaghahanda niya ang mga librong kakailanganin ko ngayong 1st sem. Parehas lang kasi kami ng course ni Ate Istelle, magkaiba nga lang kami ng major. Nakakatuwa kasi ang bait niya sa akin, nagbigay pa siya ng tips kung anong gagawin ko, etc. Feel na feel ko ang advantage ko dahil sa kanya.
After nun, pumunta kami ng OAD para kumuha ng UPCAT Form para sa kapatid ko. Isa iyong mahabang lakaran. Promise ang haba. Nakakapagod. Tapos niloko ko pa yung logbook. Sinulat ko name ko and yung school ko ay RMCHS. Di na umalis. Haha. Pagkatapos, pumunta kami sa Vinzon’s Hall para sa SLP ni Geozel. Tapos uminom kami ng shake at nakipag-away sa bata. Hindi ako war freak, sadyang sila na nga humihingi, sila pa ang magagalit. Echos lang?
Bumalik kami ulit sa bahay nila para magpahinga. Ang kulit ni Ate Istelle, pinagtripan niyang tawagin si Marco at nag-usap sila. Napikon si Marco. Haha. Pagkatapos ay umuwi na ako.
Pumunta ako ng children’s party kahapon. Nakarating kami sa UP na malakas ang ulan. Hindi umobra ang payong dalang-dala namin sa lakas ng ulan. Nabasa ang aking maong at ang likod ng aking damit. Matagal umalis ang jeep at sa sobrang pagmamadali, kami pa nagbayad sa kulang para makaalis na ang jeep. Pagkarating sa Santolan, kami ay sumakay ng tricycle. Tumila na ang ulan. Ang bobo ko dahil hindi ko naisip na basa ang aking likod tapos sumandal pa ako sa likod nun. Nadumihan ang aking likod. Nang dumating kami sa opisina ng aking nanay, agad-agad kong tinanong kung mayroon siyang extra t-shirt. Sa kabutihang palad, mayroon nga.
Late na kami sa party. Ayos lang. Ang lakas ng tawa ko sa mga batang naglalaro. Sabi ni mama sa akin na, “parang ganyan din kayo nung bata pa kayo.” Kahit malabo ang aking memorya tungkol dito, ramdam na ramdam ko ang pagkamiss ko sa aking kabataan. Ang mga panahong wala ka pang alam sa hirap ng buhay. Eh yun alam mo lang ay maglaro at mag-aral. Iniisip ko kung ganito din ba ako noon? Nakatutuwang isipin na sa edad kong ito ay napapaisip ko na maglaro din kung may pagkakataon.
May isang adult game at kahit nahihiya ako, pinasali nila ako. Ang title ay “Nagbabalat ang Ahas.” Bago ang lahat ang team leader ng bawat grupo ay magbibigay ng pangalan ng kamukha na artista ang bawat miyembro. Kamukha ko raw si Melai Cantiveros. Ako ang HD at mas mature na version niya. Tinawanan ko lang ang iyon. Sa huli, natalo kami pero at least masaya ako sapagkat nakapaglaro ako.
Ang nakatutuwa sa party, nakita ko si Sabrina. Si Sabrina ay kalaro ko noon kapag nandoon ako dati sa opisina ni mama. Anak siya ng ka-officemate ni mama. Huling kita ko sa kanya ay bata pa ako noon and now, incoming college student na ako. Marami na pinagbago sa itsura namin. Naisip ko rin ang mga iba ko pang kalaro, sina Ate Princess at yung kapatid niya (hindi ko na maalala name niya), at si Aimee. Ano na kaya ang mga itsura nila ngayon? Hay naku.
Marami na sa atin ang nahihiyang pumunta sa children’s party lalo na ang mga teenagers. Kasi nga pambata lang yun. Personally, nasiyahan akong pumunta kahit hindi makalaro kasi nababawasan ang aking pagkabagot at ayun nga enjoyment na rin iyon. Ilan taon na nga ba ako, ah, 17 na. Hindi ako isip bata pero ang mga ganoon okasyon ay sadyang nakakatuwa. Para ka na rin kasing nakikipag-participate sa lipunan. Nakikihalubilo ka sa iba’t ibang edad, bata’t matanda.
Ang dami namin tawa ni Alicia kagabi. Kasi naman may tsinismis ako sa kanya na alam na niya pala. Ang nakakatawa pa, katext pa namin yun pinagtsi-tsismisan namin. Si Alicia halos gugulong na sa kilig and me is tatalon na sa kilig. Ang dami kasi namin ginawang trap doon sa pinagtsi-tsismisan namin. Tapos nahuhuli namin and make connections based sa kanyang ginawa. Nakakatuwa kaso natapos agad kasi nag-expire ako at matutulog na si Alicia.
I am trying to fill my college in Facebook. But as I promised, if I didnt see RTU in their list, well I’m not going to change it. Unless, if it is already my first day. I still keep my promise but I am preparing it and I customized its privacy as “Only Me” for now.

These two are my choices if I will use BS or Bachelor of Science. I didn’t put my major yet because I think it is too long already. And I planned to put my major next year as necessary.
I don’t know which of them is better.